superelectroninja:

isang eksklusibong eksposey!

dito makikita na jurassic at de-pukpok talaga ang mga equipments ng mga pampublikong pamantasan ng pilipinas! hindi ito paninira sa imahe ng bansa dahil ito ang realidad.

Nasubukan ko nang mag-aral sa public at sa private. Sa private, minsan naka-jacket pa ako kasi ang lamig ng aircon, sa public, nagdadala kami ng pamaypay kasi walang electric fan at basag yung mga salamin ng bintana kaya pumapasok lahat ng usok. Sa private, may janitor na naglilinis ng restroom. Sa public, dalawang restroom lang ang bukas para sa apat na floors ng isang building, tapos bawat isang restroom isang cubicle lang ang may pinto (papasok ka ba sa cubicle na walang pinto?). Yung nag-iisa na yun, sobrang nakakadiri pa, ilang araw na hindi nalilinis, wala din namang tubig. Marami pa akong pwedeng sabihin para mai-compare ang public at private, pero hindi naman kasalanang ng mga estudyante kung may pera sila o wala.

Minsan lang, ang sarap pakinggan kapag nagbabalita ng “accomplishments” ang gobyerno tungkol sa mga nagawa nila para sa edukasyon, pero parang fairy tale lang. Hindi mo naman talaga makita na may nagagawa sila. Hindi ako mareklamo, pero naaawa lang talaga ako dun sa mga bata na determinadong mag-aral pero wala man lang librong magamit kasi ubos na yung mga libro sa public school. Minsan meron nga, pero sirang-sira na yung mga libro, magkamali ka lang ng paghawak tanggal na yung page na binabasa mo.