carlaisabel:

Wala naman talagang tamang panahon eh. Sinasabi lang natin yun kasi hahanap at hahanap tayo ng ng mali sa bawat pagkakataon. ‘Di natin alam, yung tamang panahon na yun, lumipas na pala.

Walang susuko, walang titigil. Aasa ng aasa hanggang dumating ang oras na matutunan niyang buksan ang kanyang puso at mga mata. Hanggang sa matuto siya na magmahal din. Kahit anuman ang sabihin nila. Bakit ba. Mapipigilan mo ba ang puso sa oras na tumibok ito? Pero kung sa tingin mong imposibleng mangyari ito, at sa tingin ng iba ay ‘di maganda, aasa ka pa ba, o titigil na?

//////////////////////