nagkwento ang aking inay na na-hold up daw ang kayang office mata na nakasakay sa shuttle pauwi. 4 na armadong lalaki na sumakay sa SM MOA. Ang dala nila ay baby armalite at .45 revolver. Sa EVACOM nila sinimulan ang pang-hohold up. Nagpalit ang driver at ang isa sa kanilang kasamahan. Umikot sila at umabot ng C-5. Kinuha lahat ng bag nila. May mga kasamang estudyante pa raw nun at hinihingi yung mga libro nila ngunit hindi sila pinagbigyan. Bumaba sila sa may magallanes at umuwi na walang dala ang mga biktima.
Mabuti na lang buhay pa sila.
Ramdam ko na ang pasko.
Paalala: Mag-ingat tayong lahat!

