ohyeah2010presidentiables:

coloncloseparenthesis:

Today we mourn the death of democracy once again as President Gloria Macapagal-Arroyo and her no-good allies continue to spit in our faces with the obvious and demoralizing actions they have recently undertaken. This year alone, the scandals that have rocked the administration should have been enough to make any person with a conscience and moral principles hide from shame and embarrassment.

Not this one. Apparently, our President is totally devoid of any kind of moral dilemma that she and her cronies feel that they can get away with blatantly stepping on the law without regard for consequences. Because we know that in this administration, there are no consequences. At least, not if you’re an ally.

With the COMELEC’s 2nd Division’s ruling against Isabela Governor Grace Padaca, a Ramon Magsaysay Awardee for Government Service last 2008 and Co-Founder of Kaya Natin! Movement for Good Governance, the administration has once again proved its ability to bypass moral and legal issues and still keep a smiling face. Soon, we expect this same division to also rule against Pampanga Gov. Among Ed Panlilio.

These latest actions spearheaded by known PGMA ally Commissioner Nicodemo Ferrer reeks of indecency and corruption; it can’t even be considered to have an “ulterior motive,” because the motive behind it is so painfully obvious that it is already offensive and derogatory to the entire Philippine nation, to the values of our hard earned democracy.

‘Wag nating hayaan na makalusot sina Ferrer at GMA sa mga pinaggagawa nila, lalo na’t ngayon at malapit na nating palitan ang pangulo natin! Siguraduhin natin na ang tunay na mananalo ay iyong inihalal ng taongbayan tulad ni Governor Padaca, Pampanga Governor Ed Panlilio, at iba pang mabubuting taong patuloy na binibiktima ng administrasyong Arroyo. Sobra na ang pambabastos na ginagawa ng administrasyon sa ating lahat! Wala ba tayong gagawin habang patuloy lantaran na tayong niloloko  ng administrasyong ito? 
Panahon nang iwasto natin ang katiwalian, iparinig sa ating gobyerno ang totoong saloobin ng bawat Pilipino!

Kung isa kayo sa mga Pilipinong naniniwala sa integridad nila Governor Padaca at Governor Panlilio at na sila ang tunay na pinili ng mga tao, pumirma na sa online petition laban kay Commissioner Ferrer na siyang pasimuno sa lahat ng mga nakakagalit na mga pangyayaring ito. 

Isang marangal at mahalagang posisyon ang pagiging COMELEC Commissioner at hindi ito dapat napupunta sa mga taong lantarang ibinabasura ang katotohanan para sa sariling kapakanan. Hindi sila ang kailangan natin bilang pinuno ng ating bansa, kundi ang mga katulad nila Governor Padaca at Panlilio na tunay na naglilingkod ng mabuti at maayos sa taong bayan. 

Suportahan natin sila habang sila’y pilit na itinatanggal sa posisyon, sapagkat iisa-isahin na nilang ipapabagsak ang iba pang mabubuting tao sa gobyerno na ayaw ng katiwalian. Hindi dapat ito mangyari. Hindi ngayon, hindi magpakailanman.

Ginagawa namin ito hindi bilang miyembro ng kahit anong organisasyon ngunit bilang mga ordinaryong Pilipinong handang tumaya para sa katotohanan, kabutihan at nagmamahal sa ating Inang Bayan.


Para sa mga Pilipinong handa ring tumaya para sa tunay na pagbabago, pumirma tayong lahat rito sa:

http://www.ipetitions.com/petition/oustferrernow/

Para sa Diyos at Bayan,
Kai Pastores
Harvey Keh