Naipadala na namin yung P50,000.00 na pambayad mo sa tuitin mo sa second sem. Ipinagbili na yung kalabaw natin. Ang mahal pala ng COUNTER STRIKEna kurso! Wala na rin pala tayong baboy. Naipagbili na rin para sa sinasabi mong project, yung NOKIA N75. Anak ang mahal naman ng project mo! Kasama na sa ipinadala namin yung baon mo para sa field trip niyo sa MALL OF ASIA. Malayo ba yun anak? Bakit ang mahal din? Isinanla na namin yung palayan para mabili na yung instrumento mong iPOD VIDEO. Napailaw niyo na ba yung pinagpupuyatan ninyong SAN MIG LIGHTS? Sana maka-graduate ka na at nang makaraos na tayo sa hirap at mabayaran ang mga utang at mabawi ang bukirin natin.

Love,

Tatay & Nanay.

[Some of you will find this post funny yet it strikes everyone of us.]