1.    Buong pamilya ang sumasama. Ultimo sanggol na hindi pa makakalangoy ay bitbit (dahil na rin walang bantay dahil walang papayag na maiwan para sa kanya).

2.    Sitsiryang mangunguya para sa mahabang biyahe. Kadalasan Clover, Piattos, Nova, V-cut, at kung anu-ano pang kutkutin. Mag-gogrocery pa yan isang araw bago ang nakatakdang swimming.

3.    Siksikan sa sasakyan. Isang sasakyan na lang ang gamit para tipid. Kahit gaano pa kasikip pagkakasyahin. Madalas jeep ang dala ng mga karaniwang pamilya. Nirentahan talaga ng buong araw.

4.    Punong punong public pool. Madalas toh lalo na pag sabado, linggo at holidays. Ang mga pools sobrang daming laman. Tipong magkakabanggaan na kayo at hindi mo na magawang lumangoy dahil hindi malayong magka-untugan kayo ng ibang tao. Magkahalo-halo man ang lahat ng pwedeng magkahalo sa pool, tuloy pa rin ang saya basta magkakasama.

5.    Biritan sa Videoke. Ito ang madalas na background habang nagsuswimming ka. Walang humpay na kantahan sa public videoke na hinuhulugan ng limang piso bawat kanta.

6.    Inuman. Karaniwan tong ginagawa ng mga magkukumpare at magbabarkada na magkasamang pumunta. Madalas meron ding pagtatalo at away pero tuloy lang ang saya lalo na pag may lasing na.

7.    Magkasintahang ubod ng lambing sa swimming pool. Sino ba namang di makakapansin sa kanila? Dun sila pupwesto sa mga sulok ng pool. Yung tipong tago at hindi masyadong pinupuntahan ng mga naliligo. Pinagtitinginan pero walang pakialamanan.

8.    Ihaw ihaw. Laging may baong isda o pork barbecue. Yung isda kadalasang malaking bangus na may lamang sibuyas, kamatis at paminta sa loob. Naka-foil pa yan.

9.    Walang humpay na pikchuran. Sa ngayong may digicams at camera phones na, halos lahat ng galaw ng mga kasama sa outing kinukunan. Kinabukasan naka-upload na yung mga yun sa social networking sites.

10. Mahabang pila sa public bathrooms. Dahil sa matagal maligo yung iba, pag ikaw na ang maliligo, tuyo na damit mo kakahintay.

11. Tulog halos lahat sa byahe pauwi. Walang usapan sa byahe. Sa sobrang pagod at kasiyahan, pagkakataon na yung mahabang byahe para magpahinga at matulog.

Ganito ang kadalasang makikita at mararanasan mo sa mga Pinoy outings. Kakaiba, masaya, uulit-ulitin.