Kailangang maging holiday ang July 26, not for the benefit of the students as a student or a teen but, as a citizen. It doesn’t mean na ayaw namin pumasok, gusto namin gumala, gusto namin magpahinga, or tinatamad kami, kung hindi dahil gusto namin malaman kung ano ang magiging plano ng gobyerno para sa ating lahat, lalong-lalo na sa aming mga estudyante.

Always keep in mind na ito ang first SONA ni bagong Pang. Noynoy Aquino. Dahil ito ang una, hindi ba mas maganda kung malalaman natin ang mga una niyang plano upang mabigyan natin siya ng constructive criticisms as time goes by? Kailangan ng ating gobyerno ng mga kritiko. Kailangan nila ng mga kritiko mostly from the teens dahil sa mga teenagers din lang naman maipapatong ang responsibilidad sa takdang panahon.

Anyway, baliktarin man natin ang mundo, buo na ang desisyon ng pamahalaan na magkaroon na lamang ng pasok sa darating na Lunes. In my opinion, this would be a great mistake of our government not letting the youth to be able to hear and speak out their opinions regarding the plan of the government for our country.